Anonymous: kwento mo naman po ng detalyado yung sexperience mo. ;)

Sabado ‘yun. Eksaktong 6:57:23 ‘yung oras ng pagkabukas ko ng pinto sa kwarto ko nang makita kong may isang babaeng may mahabang buhok na maitim, nakahubo’t hubad sa kama kong nasa pinakagilid ng kwarto ko. Mga 4 meters ang layo ko sa kanya mula sa kinatatayuan kong sahig na ginawa pa mula sa hardwood. Ginawa ‘yung sahig kasama ‘yung ibang parte ng aming bahay noong 1995. Lumakad ako ng 6 na hakbang at huminga ako ng malalim ng dalawang beses. Pumintig ang puso ko ng mahigit 150 but less than 200. Dahan dahan kong hinubad ‘yung damit kong puti na nilabhan ng katulong namin. ‘Yung pangalan ng katulong namin ay Betty. 29 na siya at magbi-birthday siya sa susunod na buwan, sa 12th daw. Kakatanong ko lang sa kanya. So ayun, nasa kama na ako kasama ‘yung babaeng may itim na buhok na nakahigang hubo’t hubad sa kama kong may apat na unan at isang kumot sa gilid. Sa gilid ng kama ko may lava lamp na binigay sa akin ng pinsan ko nung birthday ko. ‘Yung pinsan ko nurse na ngayon at nakatira na sa Quezon City. Di na kami gaanong nakakapag-usap nun. ‘Yung huli naming pag-uusap e nung birthday ng kapatid niya na ang pangalan ay Faye. Tapos ayun, napagod na akong alalahanin ang buong detalye ng ikukwento ko kaya dito na lang mag-eend ‘to. Lecheng detalyado ‘yan.

  1. kalliepepper said: detalyado nga. hahahhaha~
  2. thecarlomagtaas said: LOLS SAKIT SA TYAN NG SAGOT XD
  3. shesunplugged said: HAHAHAHA.
  4. nanats said: detalyado nga. hahahahahaha
  5. bolengako said: hahahahahaha! TENGENE, pati bday ng katulong :))))
  6. enebrian said: hindi ko na po siya babasahin.. baka mabigo ulet ako :( hahaha
Back To Top