Random Fact #53

Sobrang makalilimutin ako at napaka-clumsy. Tipong kahit flat ‘yung surface e natatapilok ako. Naiiwan ko rin ‘yung mga gamit ko kung saan-saan, ‘yung wallet, flash disk, lalo na ‘yung cellphone ko. The weirdest place siguro na naiwan ko ‘yung phone ko e sa freezer for 30mins. Hahaha seryoso. Buti na lang hindi nasira. Nagkatrangkaso nga lang, pero oks na siya. Buhay pa rin.

Random Fact #52

Isa sa pinaka-ayaw ko makita ay ‘yung tube ng toothpaste na pinipisil sa gitna. Nakaka-asdfghjkl. Kaya sa tuwing ganun, inaayos ko talaga. :)) Ako lang ba ganito? :(

Random Fact #51

Dati nung bago pa lang ako dito sa Tumblr, di ko pa alam ‘yang mga Tumblr Crushes na ‘yan. Kaya nung minsang masali ako, at naging number 1 pa, finollow ko agad ‘yung nagpost nun. Feeling ko kasi may utang na loob ako tas by following their blog, parang na-repay ko na ‘yung pagiging isa sa mga Tumblr Crushes nila. :)) I was so naive then.

Random Fact #50

Bata pa lang ako kung anu-anong kalokohan na ang pinaggagagawa ko kaya hindi ako nagtataka kung bakit lumaki ako ng ganito.

Ako ‘yung batang minsan lang lumalabas ng bahay at nakikipaglaro sa kapwa bata. Nasanay lang kasi akong puro bahay at skwela. ‘Yung lagi kong nakakalaro e ‘yung yaya ko lang tapos mga laruan. Bata pa lang ako, medyo antisocial na ‘ko. Pero kahit wala akong masyadong kaibigan (lalo na dun sa lugar namin), marami pa rin akong lam na kalokohan. Feeling ko inborn na ‘yun sa’kin. Haha.

Ano nga ba ‘yung mga kalokohan ko dati? Medyo marami daw ‘yun sabi ng mom ko pero kaunti lang naalala ko.

  • Bata pa lang ako nakapanuod na ako ng porn. Gradeschool na yata ako nun? I forgot, pero sobrang bata ko pa talaga that time. Nakapanuod ako ng porn sa VHS ng dad ko. Once ko lang pinanuod ‘yun, di na naulit. Na-weirdohan kasi ako nung makita ko ‘yung babaeng pinapalo pero imbes na masaktan e nasasarapan.
  • Sa tuwing may kissing/sex scenes ang pinapanuod namin ng parents ko nun, hindi ako nagtatakip ng kamay sa mga mata ko. Blanket kasi pinapatakip sa akin ng parents ko para wala talaga akong makita. Pero since wais akong bata, kinagat ko ‘yung blanket ko one time para magkabutas. Titanic ‘yung pelikula nun. Ayun, enjoy enjoy na ako sa paghahalikan nila Jack at Rose.
  • Madalas wala sa bahay parents ko kaya laging ‘yung yaya ko ang napagdidiskitahan ko, lalo na pag ayaw ko sa ugali niya o pag hindi kami “vibes”. Medyo marami na ring yaya ko ang sumuko sa akin. ‘Yung iba di matiis kakulitan ko. Naaalala ko isang beses nilagyan ko ng oil ‘yung sahig sa kwarto ng yaya ko. Nadulas siya? Hindi, muntik lang. Pero nung mga BB pellets na nilagay ko sa sahig, ayun, nadulas na siya. ‘Yung isang yaya ko naman noon after the other one resigned (haha), e ginugulat ko lagi. Tas since natutulog siya sa taas ng double deck bed, nagdrawing ako ng—ewan, di ko na maalala kung ano ‘yun tas nilalagay ko sa kisame. Parang ganito ‘yung itsura:

Alam ko, alam ko. Ang galing ko magdrawing. Pero mas nakakatakot ‘yung drawing ko dati. Ngayon kasi kaunti na lang ‘yung lumagpas na kulay eh.

  • Nung bata din ako naalala ko na ginusto kong maka-witness ng barilan sa loob ng mall. Tipong naghahabulan ang mga pulis tsaka ‘yung goons. Parang sa pelikula. Bakit? Kasi gusto kong makakita ng real life action? Hindi. Ginusto ko mangyari ‘yun para magkagulo ang mga tao sa mall tapos libre ko na makukuha ‘yung mga pagkaing gusto ko, pati mga laruan.
  • Ginusto ko din maging pulis dati. Hindi para ipagtanggol ang mga tao sa lipunan. Ginusto ko maging pulis nun kasi na-inspire ako ng mga pulis sa Cartoon Network. Kain lang kasi sila ng kain ng donuts. Ang saya ng trabaho nila.

Hahaha alam ko. Weird akong bata noon. As if naman kayo hindi ganun. Wag niyo akong i-judge. Hindi na ako bata para umiyak sa mga pangungutya niyo, pero humanda lang kayo kasi pagbabarilin ko kayo ng raygun ko.

Random Fact #48

As much as possible, I refrain from closing my eyes when I’m taking a shower. I’ve always been like this ever since I’ve started watching those horror/suspense movies.

Haven’t you noticed that everytime any of the actors go to the bathroom, shit happens? I mean, not literally but that counts too. One minute you’re washing your face or taking a piss, the next thing you know some ghost or psycho is now trying to kill you. Admit it, you’ve noticed those too! Well, maybe it’s just me. But still. We may never know, right? At least I’m, like, you know, preparing myself for… whatever.

Random Fact #47

May collection ka ba? Collection ng kahit anong bagay, damit, merchandise, magazine, etc.

Well ako, meron. Noon, back in highschool, I used to collect mugs with cartoon prints. But recently, iba na ‘yung kinokolekta ko. Alam niyo kung ano? Syempre hindi. Haha. Nangongolekta lang naman ako ng mga resibo at tissue paper na galing sa Jollibee. Walang biro. Hindi ko alam kung bakit sobrang paborito ko ‘tong fast food chain na ‘to. Siguro kasi malapit lang sa amin. :)) Almost everyday after school dumadaan ako dun para magtake-out, at sa bawat order ko dapat palaging may sundae, Coke float or choco crumble. Kapag naman nagda-dine in ako e sinusulatan ko ‘yung likod ng resibo:

  • “Eating alone, again” 
  • “Dating with myself” 
  • “Chibugan with my classmates”

Marami-rami na rin ‘yung naipon kong resibo at mga tissue. Sa sobrang dami pwede na ako magpatayo ng sarili kong branch ng Jollibee. HAHAHA. Kaso lang wala dito sakin ngayon ‘yung mga ‘yun. Nasa isang box.

Bakit ako nangongolekta ng ganun? Wala lang. Hindi ko alam bakit ko nililigpit ‘yung mga ‘yun. Sinabihan na nga ako ng mom ko na itapon ko na daw ‘yun lahat kasi basura na. Eh hindi ko naman magawa kasi nasasayangan ako. :)) Hindi ko alam kung weird lang ba talaga ako o ano pero para sa akin ‘yung mga ‘yun e may “sentimental value”. Hahahaha baliw na nga talaga ako.

Random Fact #46

Kapag naglalakad akong mag-isa tapos may sumusunod sakin, I imagine things in my head. Stuff like me getting stabbed in the back with a knife by that person. I even make silly faces and I groan silently. Tapos I’d walk slowly para I can have a better look at my “killer”. But most of the time they’re old people or some li’l kid.

Yes, I know. I’m that weird. At least if ever mangyari man ‘yun, nakapagrehearse na ako diba?

Random Fact #45

When I was a kid, I used to think the whole world (and everything in it) was black and white. I thought back in the day colors weren’t invented yet. :| Srsly.

Random Fact #43

Nagsasampay ako ng mga medyas sa likod ng ref, lalo na pag tag-ulan.

Random Fact #42

Mahilig akong mag nail bite. :|

Random Fact #41

I’m really timid in person. I don’t make the first move to befriend people. If you don’t approach me, I won’t talk to you. Haha. But here on Tumblr, I’m quite the opposite. I’m loud and extremely friendly. I even flirt with strangers. lol

Random Fact #40

I have soft hands :) but they’re sweaty :(

Back To Top