Hindi ko alam kung bakit pero nababaduyan talaga ako sa mga lalake dito sa internet na naglalagay ng ganitong mga caption:

  • “Kakagising ko lang. Good morning beautiful :)” 
  • “Kakatapos ko lang kumain. Smile beautilful :)”
  • “Yadda yadda.. something something.. beautiful :)”

I mean, c’mon. Kelangan talaga magmukha kang “gentleman” o “ladies’ man” (o kung anuman tawag dun) sa bawat post mo? Are you even sincere with that? Minsan pa ‘yung caption ang layo sa photo pero pinilit pa rin para magmukhang pleasing sa mga babae. Idk, ang baduy ng strategy niyo. It’s not just always about calling her beautiful or gorgeous instead of hot or sexy, you know. That’s so preppy, boy. If you wanna be a man, don’t just call her beautiful. Make her feel that way. And posing with a goofy smile is far from making her feel such.

Maraming mga tao ang gumagastos ng perang hindi naman nila pinaghirapan, para bumili ng mga bagay na hindi naman nila kailangan, upang magpasikat at makatamo ng pipichuging kasikatan.
Nowadays, people just try so hard to be relevant with other people’s interests instead of their own.
Sa kakasabi mo ng panget ka, baka sang-ayunan na kita.
Hindi kabawasan sa pagiging “sikat” mo ang pagreply via fan mail.

Reklamo ka nang reklamo na malandi siya. O bakit, may pinagkaiba ba kayong dalawa? Siguro kaya ang tindi ng galit mo e kasi siya pag lumalandi, may pumapatol sa kanya. Eh sa’yo, may nagkamali na ba?

Aanhin mo naman ‘yang pandesal mo sa tiyan kung ‘yang utak mo wala namang laman?
Alam kong bagay tayo pero sana walang gamitan.
It’s my relationship, I’ll take care of it.

As for you, stay out of it.

Pinost mo na nga dito sa Tumblr, pinost mo pa sa Facebook, sa Twitter at sinend mo pa sa GM.

Siguro isa sa mga awkward na sitwasyon ‘yung may kakwentuhan sa cellphone ‘yung kasama mo. Okay lang sana kung mga importanteng bagay ang pag-uusapan pero kung tipikal na chismisan lang, ‘yun yung nakakaasar eh. Hindi ka lang kasi nagmumukhang tanga, mafi-feel mo pang mas importante ang ibang bagay para sa kanya kesa sa’yo sa mga oras na ‘yun. Tsaka it’s downright rude.

I guess, for some people it’s just never enough. You can give them everything and do so much for them yet they still want more. I know people can be selfish, but how can we also be so inconsiderate? And, you. Yes, you. Why are you willing to do almost everything for someone who can’t even recognize your efforts? Why put up being taken for granted when you can give all that to someone else who truly deserves it? 

You know what’s better than having someone prioritize your own happiness? It’s when they do the same for you.

Halos siyam na buwan siyang karga-karga ng nanay niya sa tiyan, at ilang taon din ang ginugol ng mga magulang niya sa pagpapalaki sa kanya. Dugo’t pawis ang nilaan nila para mabigyan siya ng maayos na buhay tapos sa isang iglap lang, nakuha mong wasakin ang puso niya? Ano kayang mararamdaman mo kung ganun din ang gagawin sayo ng iba?

Nakakairita talaga pag ‘yung mga gwapo at magaganda nagfi-feeling panget para lang makakuha ng mga compliment.

Kahit ilang ulit ka pang i-promo ng isang blogger, kung ayaw talaga ng mga tao sa blog mo, hindi mo sila mapipilit. Kaya parang awa mo na, sa halip na puro promotions inaatupag mo, bakit hindi mo na lang ibuhos ‘yang oras mo sa pag-iimprove ng pagba-blog mo? Kung gusto mo lang naman pala mapansin, edi magsikap ka para sumikat ka. Mas masarap makamit ang isang bagay na pinaghirapan. Kasi may “sense of fulfillment”. Maari mo pang ipagmalaki ‘yan sa sarili mo at pwede ring sa ibang tao.

Back To Top