You’re welcome. “You’re welcome” kasi alam kong ang laki ng pasasalamat mo sa akin at pinagtiyagaan kitang gamitin ng isang taon. Baka nga kung wala ako dito, siguro 50% ng mga Tumblr users sa buong mundo ang mawawala sa’yo. Okay, sorry. Masyadong humble ‘yung pagka-calculate ko, 90% pala talaga. You owe me that much kaya hindi na ako nagtataka kung bakit binabayaran ako ni David Karp para lang magstay sa site na ‘to. Mabuti na lang at maawain akong tao. Kaya muli ay walang anuman.
PS. Imbento lang lahat ng sinabi ko sa itaas. Narito na talaga ang totoong post:
Maraming salamat, Tumblr. Isang taon mo na rin akong kinupkop bilang isang alagad ng kalaswaan at kalokohan. Salamat sa mga aral na naituro mo sa’kin — mula sa iba’t ibang klase ng pakikipaghalikan hanggang sa iba’t ibang klase ng posisyon sa kama. Salamat sa pagyurak ng puri ng aking mga mata at pagpaslang sa buhay ko sa labas ng bahay. Salamat sa pagturo sa akin na isang napakalaking krimen ang hindi wastong paggamit ng “you’r at “you’re”. Salamat din sa mga pagkain, damit, sapatos at lugar na iyong laging pinapaiinggit sa akin. Salamat na rin sa mga TTH na nakakasuka at sa mga paulit-ulit na nire-reblog na mga GPOY na inunlike ko na.
Maliban sa’yo Tumblr, gusto ko rin pasalamatan ang mga follower ko. Hindi ko man alam kung paano ko sila nauto na i-follow ang blog ko pero nagpapasalamat na rin ako dahil kung wala kayo.. malamang nandito pa rin ako. Oo, hindi typo ‘yun. Magdeactivate man kayo, nandito pa rin ako. Ano ‘yun, nagdeactivate ka tas dadama mo ako? Wag ganun. Bad ‘yun. PERO hindi ko mararating kung nasaan man ako ngayon kung hindi dahil sa.. sarili ko. NGUNIT hindi ako magkakalakas-loob na ipagpatuloy ang ginagawa ko ngayon kung hindi dahil sa suporta niyo. Maraming salamat, lalo na dun sa mga hindi ako tinalikuran sa mga panahon ng aking pangangailangan. Maraming salamat sa mga pagkakaibigang nabuo tsaka ng pagkaka-ibigan na nauwi sa, um, ewan. At syempre, maraming salamat sa aking mga kalandian. Kung hindi dahil sa inyo, malamang naging boring ang isang taon ko dito. Maraming salamat talaga. Alam kong hindi sapat ang mga salitang ‘yun pero ‘yun lang ang maibibigay ko sa ngayon. Kaya magsawa kayo sa pasasalamat ko. Thank you. Thank you. Thank you. Yes, you, you, you, you and you. You, too. And all of you! Ang dami nyou.
By the way, there’s no need to send me those “Happy Anniversary to your blog” sort of message. I’m just saying this cos some already have sent me. Pero to spare you from the hassle, wag na lang. It’s not much of a big deal anyway. And greeting me will just make me feel old, cos HELLO? Isang taon din kaya ‘yun. OMG. :)) Although for me, it’s just another year of being lifeless in front of the PC whilst scrolling down on sex GIFs. Just the thought that you guys are still there after all this time is more than enough. Thank you.
Sincerely,
SadyangMatalino